Ayon sa pahayag na inilabas kaninang madaling araw, Setyembre 3, 2017 ng pamahalaan ng Cambodia, inaresto nang araw ring iyon sa sariling tahanan si Kem Sokha, Tagapangulo ng Cambodia National Rescue Party (CNRP), dahil sa kasong may kinalaman sa pagtataksil sa estado.
Sa isang naunang video na inilabas sa Facebook, noong ika-8 ng Disyembre, 2013, ipinahayag ni Kem Sokha sa kanyang mga tagasunod na itinakda na niya ang plano ng pagpapabagsak ng kasalukuyang pamahalaan ng Cambodia, batay sa kahilingan ng Amerika.
Ipinahayag ng pamahalaan ng Cambodia na batay sa nasabing video at ibang mga palatandaan, ang mga kilos ni Kem Sokha ay may kinalaman sa pagtataksil sa estado.
Ayon sa batas ng Cambodia, aakusahan siya ng kasong pagtataksil sa bansa at pag-eespiya.