Ipinahayag kamakailan ng opisyal ng Ministri ng Transportasyon ng Thailand na ayon sa panukalang planong pangkaunlaran para sa darating na 20 taon, unti-unting babaguhin ng Thailand ang freight transportation mula sa kasalukuyang paggamit ng lansangan tungo sa paggamit ng daambakal para mapababa ang gastos at mabawasan ang polusyong pangkapaligiran.
Napag-alamang kung gagamtin ang lansangan, ang gastos ay umaabot sa 2.12 baht isang tonelada bawat kilometro, samantalang kung gagamit naman ng daambakal, bababa sa 0.95 baht kada tonelada bawat kilometro lamang ang gastos. Kaya, umaasa ang Thailand na mapapabuti ang kalidad ng transportasyon ng daambakal sa bansa.
Ipinahayag pa ng nasabing opisyal, maaring mapahaba ang daambakal sa Yunan ng Tsina, patungo sa Thailand sa pamamagitan ng Laos, at matupad ang interkoneksyon sa rehiyon.
Idinaos noong unang araw ng Setyembre, 2017 ang Pandaigdigang Porum ng Belt and Road & Greater Mekong Sub-region Cooperation sa Chiang Mai, Thailand na magkasamang inihandog ng Consulate General ng Tsina sa Chiang Mai, Chiang Mai University at Mea Fah Luang University.
Mahigit 400 kinatawan at iskolar mula sa iba't ibang sektor ang dumalo at isinagawa ang malawak na talakayan tungkol sa kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan, turismo, agrikultura, pagtatatag ng imprastruktura, komunikasyon, smart city, kultura, edukasyon at iba pang paksa sa ilalim ng temang "Lancang Jiang-Mekong River: Rising Smart Corridor."