Bangkok, Thailand—Ipinahayag Lunes, Agosto 28, 2017 ni Punong Ministro Prayut Chan-ocha ng Thailand na pag-aaralan ng ministring panlabas ng bansa ang hinggil sa pagpapawalang-bisa ng pasaporte ng dating punong ministro na si Yingluck Shinawatra, batay sa mga may kinalamang batas.
Ito ay ipinahayag ni Prayut bilang tugon sa tanong ng media kaugnay ng pag-alis ng bansa ni Yingluck.
Nakatakda sanang humarap si Yingluck sa Korte Suprema kaugnay ng kaso ng subsidiya ng bigas nitong nagdaang Biyernes, Agosto 25, 2017. Pero, hindi nakadalo si Yingluck dahil masama raw ang pakiramdam niya. Ipinalabas ng nasabing korte ang arrest warrant kay Yingluck nang araw ring iyon at ipinagpaliban ang pagdinig hanggang Setyembre 27, 2017. Ngunit, hanggang sa kasalukuyan, hindi pa alam ang kinaroroonan ni Yingluck.
Salin: Jade
Pulido: Mac