Ipinatalastas Martes, Setyembre 5, 2017 ng panig pulisya ng Malaysia na arestado kamakailan ang 19 na pinaghihinalaang may kinalaman sa mga teroristikong aktibidad.
Ayon sa pahayag ni Mohamad Fuzi Harun, Inspector-General of Police ng bansang ito, na 11 katao sa naturang 19 na suspek ay dahuhan at ang ibang 8 ay Malaysian.
Sinabi pa niyang batay sa impormasyon, binalak nilang maglunsad ng teroristikong pag-atake sa seremonya ng pagtatapos ng Southeast Asian Games noong ika-30 ng nagdaang Agosto at National Celebration ng bansang ito noong ika-31 ng nagdaang Agosto.
Bukod dito, 8 sa mga nadakip ay miyembro ng Abu Sayyaf Group.