|
||||||||
|
||
Natapos Miyerkules, Agosto 30, 2017 sa Kuala Lumpur ng Malaysia ang ika-29 na Southeast Asian Games (SEA Games).
Nakuha ng delegasyon ng Malasia ang 145 medalyang ginto, na pinakamarami sa mga kalahok na bansa. Nakuha naman ng delegasyon ng Pilipinas ang 24 na medalyang ginto.
Hanga naman si Tunku Tan Sri Imran ibni Tuanku Ja'afar, Presidente ng Southeast Asian Games Federation (SEAGF), sa magagandang laro ng mga atleta ng 11 bansa ng Timog-silangan Asya.
Sinabi niyang para sa mga taong nagmamahal sa palakasan, matagumpay ang lahat ng mga atleta.
Sinabi pa niyang kahit nakakuha man ng medalya o hindi ang mga atleta, buong sikap silang naglaro para sa kanilang Inangbayan, kaya dapat nila itong ikarangal.
Ang susunod na SEA Games ay idaraos sa Pilipinas sa taong 2019.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |