Nilagdaan Martes, Setyembre 5, 2017 ng mga bahay-kalakal ng lalawigang Hainan ng Tsina at Thailand ang limang kooperasyonng nagkakahalaga ng halos 3 bilyong Yuan RMB o 459 milyong US Dolyares.
Ang mga nasabing kasunduan ay may kinalaman sa serbisyo ng abiyasyon, tropikong agrikultura at pagbubukas ng bagong linya ng eroplano sa pagitan Haikou ng Tsina at Pattaya ng Thailand.
Sinabi ni Shen Xiaoming, Gobernador ng Lalawigang Hainan, na ang kanyang proybinsya ay espesyal na sonang pangkabuhayan ng Tsina at mayroon itong mga bentahe sa turismo, shopping at paglipad. Kaya aniya, ang Hainan ay magdudulot ng malaking pagkakataon para sa mga mamimili.