Idinaos nitong Sabado, Setyembre 9, 2017, ng delegasyong diplomatiko ng Tsina sa Unyong Europeo (EU) ang aktibidad ng "China Open Day." Layon nitong bigyang-alam ng Tsina at kulturang Tsino ang mga mamamayang Europeo sa pamamagitan ng mga makulay na palabas. Dumalo sa aktibidad ang mahigit 800 personahe mula sa iba't-ibang sirkulo ng Europa.
Sinabi ni Yang Yanyi, puno ng naturang delegasyon, na ang nasabing aktibidad ay nakakapagbigay ng mahalagang papel sa pagpapalalim ng pagtitiwalaan at pagkakaibigang Sino-Europeo. Ito aniya ay nagsisilbing kaakit-akit na aktibidad sa relasyong Sino-Europeo.
Salin: Li Feng