|
||||||||
|
||
Sina Premyer Li Keqiang (sa kaliwa) ng Tsina at Presidente Jean-Claude Juncker (sa kanan) ng Unyong Europeo (EU)
Brussels, Belgium — Nitong Biyernes, Hunyo 2 (local time), 2017, magkasamang dumalo sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Presidente Jean-Claude Juncker ng Unyong Europeo (EU), sa Ika-12 EU-China Business Summit. Dumalo rin dito ang halos 400 kinatawan mula sa sirkulong industriyal at komersyal ng Tsina at Europa.
Nagtatalumpati sa summit si Premyer Li Keqiang
Sa kanyang talumpati sa summit, sinabi ni Premyer Li na ang isang nagkakaisa, matatag, masagana, at bukas na Europa, at malakas na Euro, ay may kaugnayan sa pundamental na kapakanan ng mga mamamayan ng iba't-ibang bansang Europeo. Ito aniya ay nakakabuti sa world multipolarization, economic globalization, at civilization diversity. Sa mula't mula pa'y pinahahalagahan ng Tsina ang relasyong Sino-EU, at ang pagpapaunlad ng relasyong ito ay isa sa mga preperensyal na direksyon ng diplomasiya ng Tsina. Nakahanda ang Tsina na palalimin ang komprehensibo at estratehikong partnership sa EU, at buong tatag na katigan, tulad ng dati, ang proseso ng integrasyon ng Europa, dagdag niya.
Ipinahayag pa ni Li ang kahandaan ng panig Tsino na magsikap kasama ng panig Europeo para magkasamang mapangalagaan ang mapayapa at matatag na kapaligirang pangkaunlaran, buong tatag na mapangalagaan ang norms of international relations na batay sa "UN Charter," at igiit ang paglutas sa mga mainit na isyu sa paraang pulitikal.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |