|
||||||||
|
||
Mexico City, Mexico—Kinumpirma Linggo, Steyembre 10, 2017 (local time) ng awtoridad na umabot sa 90 ang bilang ng nasawi sa 8.2 magnitude na lindol na yumanig sa Mexico, noong nagdaang Huwebes, Setyembre 7. Ito ang pinakamalakas na lindol na naganap sa bansa nitong 100 taong nakalipas.
Kabilang sa mga sinawing-palad, 71 ang mula sa Oaxaca, pinakaapektadong estado. At 15 sa 19 ibang mga nasawi ay galing sa kapit-estado Chiapas at apat ay mula sa Tabasco.
Patuloy pa rin ang paghahanap at pagliligtas.
Mga residenteng lokal habang nagpapatala ng pagkawala ng ari-arian, sa Juchitan, Oaxaca state, Mexico. Larawang kinunan Sept. 9, 2017. (Xinhua/Dan Hang)
Mga rescue worker sa paghananap at pagliligtas, larawang kinunan Sept. 9, 2017 (Xinhua/Dan Hang)
salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |