Ipinahayag kahapon, Setyembre 13, 2017 ni Huang Runqiu, Pangalawang Ministro ng Pangangalaga sa Kapaligiran ng Tsina na ang kooperasyong pangkapaligiran sa pagitan ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ay masasabing isang modelo ng South-South Cooperation.
Sa kanyang paglahok sa Ika-15 ASEAN-China, Japan and South Korea (ASEAN+3) Environment Ministers Meeting, binalik-tanaw ni Huang ang pinakahuling kooperasyong pangkapaligiran sa pagitan ng Tsina at ASEAN at nananalig aniya siyang tiyak na matatamo ang kapansin-pansing bunga sa hinaharap.
Tinukoy pa ni Huang na nitong ilang taong nakalipas, ang pangangalaga sa kapaligiran ay naging priyoridad ng mga gawain ng pamamahalang Tsino. Habang aktibong humaharap sa hamong pangkapaligiran sa loob ng bansa, nilagdaan din ng pamahalaang Tsino ang mahigit 30 multilateral na kasunduang pangkapaligiran sa ibang bansa. At sa balangkas ng Green Belt and Road Initiative, sinimulan na ng Tsina at ASEAN ang pagtatatag ng environment friendly partnership at plataporma ng pagbabahagi ng impormasyon, dagdag pa ni Huang.