Pagpasok ng taong 2017, itinatag ng bayang Xingan ng probinsyang Jiangxi ng Tsina ang apat (4) na rural garbage exchange store sa buong bayan. Batay sa nakatakdang tadhana, puwedeng ipagpalit ng mga residente doon ang kanilang mga kinolektang basurang gaya ng plastic bottle, plastic bag, lata, used battery, at glass bottle, sa mga kagamitang pang-araw-araw at pag-aaral na tulad ng tooth paste, sabon, exercise book, ball pen, at iba pa.
Napag-alamang patuloy na isusulong ng bayang Xingan ang pagtatatag ng garbage exchange store upang ibayo pang mapabuti ang kapaligiran ng pamumuhay sa mga nayon.
Salin: Li Feng