Yangon, Myanmar—Binuksan dito Sabado, ika-16 ng Setyembre, 2017 ang Ika-14 na World Chinese Entrepreneurs Convention. Nagtipun-tipon dito ang mahigit 2,000 namumukod na mangangalakal na Tsino mula sa iba't ibang sulok ng mundo, para talakayin ang planong pangkaunlaran.
Ang tema ng kasalukuyang pulong ay ""An opening Economy in Myanmar, A New Epoch in History." Naglalayon itong itatag ang network na pangkabuhayan at pangkalakalan sa pagitan ng mga mangangalakal na Tsino sa Myanmar at ibang lugar ng daigdig.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Myint Swe, Unang Pangalawang Pangulo ng Myanmar, na ang pagdaraos ng World Chinese Entrepreneurs Convention sa Myanmar ay hindi lamang makakapagpasulong sa mapagkaibigang pag-unlad ng Tsina at Myanmar, kundi magkakaloob din ng pagkakataon para sa pagpapalawak ng mga mangangalakal na Tsino ng kani-kanilang pamumuhunan sa Myanmar.
Salin: Vera