Nagsimula ngayong araw, Setyembre 14, 2017, si Lam Cheng Yuet-ngor, Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) ng kanyang opisyal na pagdalaw sa Myanmar.
Nakatakda siyang makipagtagpo sa mga lider ng Myanmar sa Naypyitaw sa Setyembre 15. Inanyayahan din siyang lumahok sa Ika-14 na World Chinese Entrepreneurs Convention (WCEC) na gaganapin sa Yangon sa Setyembre 16 bago siya bumalik sa Hong Kong sa Setyembre 17.
Ang Myanmar ay ikatlong bansa ng Association of Southeast Asian Nations na dinalaw ni Lam Cheng Yuet-ngor sapul nang manungkulan siya bilang ikalimang punong ehekutibo ng HKSAR noong nagdaang Marso, 2017.
Salin: Jade