|
||||||||
|
||
Sa bagong bukas na semestre ngayong Setyembre, ang kauna-unahang batch ng Filipino language majors ng Beijing Foreign Studies University ay nagsimula ng kanilang apat na taong pag-aaral.
Lunes, Setyembre 18, ang 14 na estudyante ay kumuha ng unang kurso na may kinalaman sa maikling pagpapakilala hinggil sa Pilipinas, kasaysayan ng pag-unlad ng wikang pambansa ng Pilipinas, at paanong sumulat ng sariling pangalan gamit ang baybayin.
Ang Filipino Department ng BFSU School of Asian and African Studies ay itinatag Setyembre 2017. Sa kasalukuyan, mayroon itong dalawang guro na sina Dr. "Alex" Xu Hanyi, PhD at Dr. "Della" Huo Ran, PhD. Ang 14 na estudyante ay galing sa iba't ibang bahagi ng Tsina na gaya ng Sichuan, Hubei, Hebei at iba pa.
Layon ng BFSU Filipino Department na hubugin ang kaalaman ng mga mag-aaral na Tsino hinggil sa Pilipinas para mapasulong ang pag-uunawaan ng mga mamamayan sa pagitan ng Tsina at Pilipinas. Balak din ng nasabing departamento na pasimulan ang pagpapalitan at pagtutulungan sa mga unibersidad ng Pilipinas.
Si Xu Hanyi, guro ng BFSU Filipino Department, kasama ng mga estudyante, sa unang kurso ng wikang Filipino, Setyembre 18
Group photo ng mga estudyante ng BFSU Filipino Department
Selfie ng mga guro estudyante ng BFSU Filipino Department
Ulat: Della Huo Ran
Larawan: Della Huo Ran, Wang Ziming
Salin/Edit: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |