Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Beijing Foreign Studies University, nagbukas ng kurso sa wikang Filipino

(GMT+08:00) 2015-03-15 16:02:49       CRI

Si Wang Lefan, mag-aaral ng wikang Filipino. Hangad niyang matuto ng ilang mga pangungusap bago siya dumalaw sa Pilipinas

Si Wang Lefan ay kasalukuyang naka-enrol sa Beijing Foreign Studies University. Kinukuha niya ang kurso sa wikang Bulgaria. Hilig niya ang pag-aaral ng iba't ibang kultura ng daigdig. Pagdating sa Europa puwedeng sabihing may sapat siyang kaalaman. Pero kapag Asya ang pinag-usapan, partikular na ang Pilipinas, hindi masyadong malalim at kaunti ang kanyang nalalaman sa kabila ng pagiging kapitbansa nito ng Tsina.

Dagdag niya, "Nais kong malaman ang wikang Filipino, at sa pamamagitan nito matututunan ko din ang kultura ng Pilipinas."

Ang Beijing Foreign Studies University ang nangungunang pamantasan para mga Tsino na nais maging diplomata

Ngayong ika-15 ng Marso, sinimulan sa Beijing Foreign Studies University (BFSU) ang kauna-unahang klase sa wikang Filipino. Isa si Wang Lefan sa dalawampung estudyante ng klaseng ito.

Sa kalagitnaan ng klase ginanap din ang isang simple ngunit makabuluhang seremonya, para pormal na ilunsad ang kurso. Dumalo rito sina H.E. Erlinda F. Basilio, Ambassador ng Pilipinas sa Tsina, Prof. Sun Youzhong, Vice President ng BFSU, Prof. Sun Xiaomeng, Dean ng School of Asian and African Studies at mga guro ng unibersidad.

Ayon kay Prof. Sun Youzhong, ang pagkakaroon ng kurso sa Filipino ay nagpapataas sa katayuan ng BFSU pagdating ng pagtuturo ng wikang dayuhan sa Tsina. Pinasusulong nito ang pananaliksik tungkol sa Pilipinas. Dagdag niya, "Ang Pilipinas ay mahalagang bahagi ng "One Road, One Belt Initiative" ng Tsina, at lilikhain nito ang pagkakataon para sa Tsina na isagawa ang komprehensibong pakikipagtulungan sa mga kapitbansa." Ani Prof. Sun, kailangan ng Tsina at Pilipinas na pahigpitin ang pagpapalitang kultural, bawasan ang di pagkakaunawaan, pahigpitin ang komong palagay at palawakin ang larangan ng kooperasyon.

Mga estudyante ng BFSU na dumalo sa paglulunsad ng wikang Filipino.Kasama sina Jade Xian (unang hanay, ikalawa mula sa kanan), katabi si Prof. Sun Youzhong, Ambassador Erlinda Basilio (unang hanay, gitna) at Dean Sun Xiaomeng (unang hanay, pangatlo mula sa kaliwa)

Sinabi ni Amb. Basilio sa kanyang mensahe na makabuluhan ang pagsisimula ng klaseng ito, at maituturing na isang "highlight" sa pagdiriwang ngayong taon ng ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng diplomatikong relasyon ng Tsina at Pilipinas. Aniya, "Ang ugnayan ng mga mamamayan ang siyang bigkis sa pagitan ng mga bansa. Ang pagpapalitang-kultural tulad ng pag-aaral ng wika ay mahalaga sa pagpapaigting ng pagtitiwalaan, komunikasyon at pag-uunawaan sa pagitan ng mga tao at paglaon, sa pagitan ng Pilipinas at Tsina."

Ipinangako ni Amb. Basilio ang buong suporta ng Pasuguan ng Pilipinas sa BFSU at sa hinaharap sinabi niyang ito'y magiging katuwang para dagdagan at mas palawigin ang kaalaman ng mga estudyante ng BFSU hinggil sa Pilipinas at mga Pilipino.

Si Jade Xian, guro ng unang kurso sa wikang Filipino ng BFSU

Walang iba kundi si Jade Xian, Direktor ng Radyo Internasyonal ng Tsina - Serbisyo Filipino ang napili bilang guro sa unang klase ng wikang Filipino sa BFSU. Aniya, "Malaking karangalan ang pagkakaroon ng ganitong pagkakataon na magalugad ang kagandahan ng wikang Filipino."

Sa open forum, nabigyan ng pagkakataon si Wang Lefan na alamin mula kay Amb. Basilio ang mga aktibidad na pangkultura ng Pasuguan ng Pilipinas. At ikinsiya nitong malaman na siya ay maaanyayahan para dumalo sa mga aktibidad tulad ng nalalapit na pagtatanghal ng Bayanihan Cultural Group sa Hunyo. Nang alamin ng Serbisyo Filipino kung bakit siya interesado dito, sinabi niyang,"Kung pwede dadalo ako sa aktibidad, dahil alam ko na may kaunting problema ang Tsina at Pilipinas. Sa palagay ko maari akong makatulong, ibibigay ko ang aking makakaya para sa pagkakaibigan ng mga Tsino at Filipino."

Ulat ni Machelle Ramos at Andrea Wu

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>