|
||||||||
|
||
Mexico City, Mexico—Ayon sa pinakahuling ulat Miyerkules, Setyembre 20 (local time) ng Kawanihan ng Proteksyong Sibil, di-kukulangin sa 230 katao ang nasawi sa magnitude 7.1 na lindol na yumanig sa bansa nitong nagdaang Martes.
Ipinahayag ni Pangulong Enrique Pena Nieto ng Mexico na simula Setyembre 20, nagdaraos na ang buong bansa ng tatlong araw na pagdadalamhati.
Ang epicenter ng naganap na lindol ay matatagpuan 12 kilometro sa timog-kanluran ng Axochiapan, lunsod sa State of Morelos sa dakong gitna ng bansa. Mahigit 120 kilometro ang layo nito sa Mexico City, kabisera ng bansa.
Kaugnay ng nasabing trahediya, isang menseha ng pakikiramay ang ipinadala ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang counterpart Mehikano na si Enrique Pena Nieto. Ipinahayag ng pangulong Tsino ang kahandaan ng panig Tsino na magbigay ng tulong sa pagliligtas at rekonstruksyon.
Nauna rito, tinamaan ang Mexico ng 8.2 magnitude na lindol noong Setyembre 7 na ikinasawi ng 98 katao.
Patuloy pa rin ang paghahanap at pagliligtas makaraang yanigin ang Mexico ng 7.1 magnitude na lindol Setyembre 19. Larawang kinunan Setyembre 20 (local time) (Photo credit: Xinhua)
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |