NAGHIHINTAY ng kaukulang ulat ang Department of Foreign Affairs mula sa Embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur matapos pumutok ang balitang dinakip ang pitong mga Filipinong naglilingkod bilang mga security guard sa Kuala Lumpur at sa Selangor.
Ayon sa diplomatic sources ng CBCPNews, naunang dinakip ang mgay 20 mga Filipino noong nakalipas na Miyerkoles, ika-30 ng Agosto sa pagbabalik na magpasabog sa pagdiriwang ng Malaysian National Day at pagsasara ng South East Asian Games.
Pawa umanong security guards ang mga dinakip noong nakalipas na Huwebes, ika-14 ng Setyembre.
Nakapasok umano ang mga Filipino sa pamamagitan ng Sandakan gamit ang mga palsipikadong papeles.
Ayon kay DFA Spokesman Robespierre Bolivar, hinihintay lamang nila ang paunang ulat ng Embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur.