|
||||||||
|
||
WALA umanong balak si Pangulong Duterte na magdeklara ng Martial Law. Ito ay sa likod ng mga pangamba ng mga mamamayan sapagkat ilang ulit ng binanggit ng pangulo ang bagay na ito sa kanyang mga talumpati.
Sa isang panayam sa telebisyon, sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na walang balak ang pangulo.
NAGHAHANDA NA ANG MGA MILITANTE. Ito ang larawan kaninang katanghalian sa Espana Blvd. ang pook na pagtatagpuan ng mga lavahok sa pagtitipon sa Luneta. (Melo M. Acuna)
Ipinaliwanag ni G. Abella na pinapayagan ng pangulo ang mga protesta at huwag lamang mauwi sa kaguluhan sapagkat kikilos ang pamahalaan. Patas umano ang pangulo sapagkat maihahambing sa bahaghari ang mga kasama sa gabinete.
INIHAHANDA NA RIN ANG PLAZA MIRANDA. Naiipon na rin ang mga tagahanga ni Pangulong Dutere sa Plaza Miranda upang tapatan ang mga kontra na naipon sa Lunete. May dalawang kilometro lamang ang kanilang pag-itan. (Melo M. Acuna)
Samantala, sinabi ng Movement Against Tyranny na nakababagabag ang ginawang paglilimita sa kanilang grupo na magpahayag ng saloobin sa Luneta sapagkat inilagay lamang ang grupo sa isang maliit na bahagi ng liwasan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |