Setyembre 25, 2017, Beijing—Nag-usap si Zhao Hongzhu, Kalihim ng Sekretaryat ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Men Sam An, Pangalawang Punong Ministro at Pirmihang Kagawad ng Komite Sentral ng Cambodia People's Party(CPP) ng Kambodya.
Sinabi ni Zhao na hindi nagbabago ang prinsipyo ng pagpapahigpit ng pagsasaayos sa partido ng CPC, at patuloy ang paglaban nito sa korupsyon. At nakahanda ang Tsina na palalimin ang mga kooperasyong kinabibilangan ng paglaban sa korupsyon nila kasama ang Kambodya.
Ipinahayag naman ni Men Sam An ang lubos na pagpuri sa natamong bunga ng pagsasaayos ng CPC, at nakahanda aniyang patuloy na pahigpitin ang pagpapalitan sa isa't isa.
salin:Lele