Kasiya-siyang natapos ang dalaw-pangkaibigan ng hanay ng Hukbong Pandagat ng Tsina sa Brunei, at lumisan ng Muara Harbour Miyerkules, ika-27 ng Setyembre, 2017.
Sa panahon ng nasabing pagdalaw, binisita ng mga opisyal at sundalo ng panig Tsino at Bruneian ang mga navy vessel ng isa't isa, at isinagawa ang pagpapalitan sa paglaban sa pamimirata at iba pang aspekto.
Pagkaraang lumisan ng Muara Harbour, isinagawa ng hanay na Tsino, kasama ng Hukbong pandagat ng Brunei ang magkasanib na pagsasanay sa dagat.
Salin: Vera