Linggo, Mayo 7, 2017—Ipinagdiwang ang ika-6 na "Pambansang Araw ng Pamilya" ng Brunei. Nang araw ring iyon, itinaguyod ng mga organo ng pamahalaan at organisasyong di-pampamahalaan ang makukulay na aktibidad bilang pagdiriwang sa okasyong ito, upang mapahigpit ang harmonya ng pamilya, pagkakaisa ng kapitbahayan, at magkaroon ng may-harmonya't matatag na pag-unlad ng estado.
Sapul noong 2012, itinuturing na "Pambansang Araw ng Pamilya" ng Brunei ang unang Linggo ng Mayo. Ang tema ng aktibidad sa kasalukuyang taon ay "May Pagmamahal ang Pamilya, Masagana ang Bansa."
Dumalo sa aktibidad ng pagbibisikleta sa palibot ng kalunsuran si Sultan Hassanal Bolkiah at ang mga miyembro ng maharlikang pamilya. Sumali naman ang maraming pamilya sa mga palaro at aktibidad na pampalakasan sa Bandar Seri Begawan.
Halos 400 libo ang populasyon ng Brunei, at mas mababa kaysa ibang mga bansang ASEAN ang crime rate nito.
Salin: Vera