|
||||||||
|
||
Ayon sa Iraqi media Biyernes, Setyembre 29, 2017, pormal na nagkabisa nang araw ring iyon ang round-trip international flight ban ng pamahalaang Iraqi bilang tugon sa Kurdish Autonomous Region.
Sa kabila ng pagtutol ng pamahalaang sentral at maraming panig, lantarang nagsagawa nitong Lunes ang Kurdish Autonomous Region ng independence referendum. Ang nasabing isinagawang hakbang ng pamahalaang Iraqi ay nagsisilbing isa sa mga counter-measure tungkol dito.
Ipinahayag naman Biyernes ng isang opisyal ng naturang rehiyon na hindi nila itatakwil ang kapangyarihan ng pagkontrol sa paliparan at border port.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |