|
||||||||
|
||
Sa kabila ng pagtutol ng maraming panig, lantarang nagsagawa nitong Lunes, Setyembre 25, 2017, ang Iraqi Kurdish Autonomous Region ng independence referendum.
Kaugnay nito, magkakasunod na pinasimulan ng pamahalaang sentral ng Iraq, at mga kapitbansa nitong tulad ng Turkey at Iran, ang counter-measures laban sa nasabing reperendum. Buong pagkakaisa ring ipinahayag ng United Nations (UN), Estados Unidos, Rusya, at iba pang organisasyong pandaigdig at bansa, ang pagtutol sa pagsasarili ng naturang rehiyon. Kinakatigan anila ang unipikasyon at kabuuan ng teritoryo ng Iraq.
Ipinahayag nitong Miyerkules sa parliamento ni Punong Ministro Haider al-Abadi ng Iraq, na kung talagang nais ipagpatuloy ng Kurdish Autonomous Region ang diyalogo sa Baghdad, dapat nito itakwil ang resulta ng reperendum.
Aktibo rin nakikipagsanggunian ang pamahalaang Iraqi sa mga kapitbansa nito at komunidad ng daigdig upang makuha ang pagkatig nila at magkakasamang harapin ang naturang reperendum.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |