Ipinahayag Martes, Oktubre 3, 2017 ng panig pulisya ng Thailand na nasa Britanya ngayon si Yingluck Shinawatra, dating Punong Ministro ng bansang ito. Bukod dito, hiniling ng panig Thai sa International Criminal Police Organization (ICPO-INTERPOL) na ilabas ang red notice o international arrest warrant laban kay Yingluck.
Ayon sa panig pulisya ng Thailand, kinumpirma ng United Arab Emirates na umalis sa Dubai ng bansang ito si Yingluck papunta sa Britanya.
Noong ika-29 ng nagdaang Setyembre, inilabas ng kataas-taasang hukuman ng Thailand ang hatol kay Yingluck na gaya ng pagpapabaya sa tungkulin at pakikipagsabwat sa korupsyon, dahil sa subsidiya sa bigas.
Ayon sa hatol ng hukuman, dapat mabilanggo si Yingluck nang limang taon.