Miyerkules, ika-27 ng Setyembre, 2017, sa kondisyong liban ang akusado sa korte, nilitis ng Kataas-taasang Hukuman ng Thailand ang kaso ng pagbili ng bigas na may kinalaman kay Yingluck Shinawatra, dating Punong Ministro ng Thailand. Hinatulan si Yingluck ng pagpapabaya sa tungkulin at katiwalian, makukulong sa bilangguan ng 5 taon at walang probasyon.
Mga tagasuporta ni Yingluck, nagtipun-tipon sa harap ng gusali ng Supreme Court
Ayon sa umiiral na konstitusyon ng Thailand, pagkatapos ng paglilitis ng kataas-taasang hukuman sa kasong kriminal na may kinalaman sa personaheng pulitikal, maaaring iharap ng akusado ang apela sa mga kinauukulang departamento ng kataas-taasang hukuman, sa loob ng 30 taon. Ipinahayag ng abugado ni Yingluck na sa kasalukuyan, kailangang patuloy na pag-aralan ang hinggil dito.
Salin: Vera