|
||||||||
|
||
Ayon sa Ministring Pandepensa ng Rusya Huwebes, Oktubre 6, 2017, mga 91% ng teritoryo ng Syria ay napalaya na mula sa ekstrimistang organisasyon. Sa katotohanan, natapos na ang digmaan sa bansang ito.
Ipinahayag ng sentrong tagapagkoordina sa tigil-putukan ng Rusya sa Syria na kasalukuyang isinasagawa ang gawain ng rekonstruksyon sa mga mahalagang imprastruktura sa mga malalaking lunsod ng Syria.
Ayon pa sa patalastas ng Ministring Pandepensa ng Rusya, noong isang linggo, isinagawa ng tropang panghimpapawid nito ang mahigit 500 flight missions sa Syria na nakasira sa mahigit 1,380 military target ng ekstrimistang organisasyon ng bansang ito.
Sa paanyaya ng pamahalaan ng Syria, mula noong Setyembre 30, 2015, sinimulang magsagawa ang Rusya ng dagok-militar laban sa ekstrimistang organisasyon sa Syria. Sa pagkatig ng Rusya, natamo ng tropang pampamahalaan ng Syria ang progreso sa maraming labanan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |