Nag-usap Biyernes, April 14, 2017 sa Moscow ang mga Ministrong Panlabas ng Rusya, Iran at Syria na sina Sergei Lavrov, Mohammad Javad Zarif at Walid Muallem, hinggil sa mga isyu na kinabibilangan ng aksyong militar ng Amerika sa Syria, imbestigasyon sa insidente ng paglulunsad ng atakeng kemikal, talastasang pangkapayapaan sa Syria at magkasanib na paglaban sa terorismo.
Sa news briefing pagkatapos ng kanilang pag-uusap, sinabi ni Lavrov na buong pagkakaisang ipinalalagay ng tatlong bansa na ang aksyong militar ng Amerika sa Syria noong ika-7 ng buwang ito ay nagsisilbing aksyong pananalakay sa soberanya ng Syria at lumalabag ang nasabing aksyon sa pandaigdigang batas at Charter ng UN.
Bukod dito, iginigiit ng tatlong bansa na isagawa ang obdiyektibo at makatarungang imbestigasyon sa atakeng kemikal sa Syria, lutasin ang sagupaan sa bansang ito sa diplomatikong paraan at pahigpitin ang kooperasyon sa paglaban sa mga terorista sa bansang ito.