|
||||||||
|
||
Nag-usap nitong Huwebes, Oktubre 5, 2017, sina Pangulong Vladimir Putin ng Rusya at Haring Salman bin Abdulaziz Al Saud ng Saudi Arabia. Tinalakay nila ang tungkol sa kooperasyon sa enerhiya, kabuhayan at pangkalakalan, at isyu ng Gitnang Silangan.
Sa isyu ng Syria, ipinahayag ng hari ng Saudi Arabia ang positibong papuri sa ginagawang pagsisikap ng panig Ruso. Ipinalalagay niya na dapat panatilihin ang kabuuan ng teritoryo ng Syria.
Sa isyu ng langis, sinabi ng hari na hinahanap ng Saudi Arabia ang pagsasagawa ng pakikipagkooperasyon sa Rusya upang maisakatuparan ang katatagan ng international crude oil market.
Ayon sa ulat, lumagda ang dalawang panig sa 14 na dokumentong pangkooperasyon na sumasaklaw sa mga larangang gaya ng industriyang militar, langis, enerhiyang nuklear, komunikasyon, tele-komunikasyon, at agrikultura.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |