Nanawagan kahapon sina Sergei Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya, at Adel al-Jubeir, Ministrong Panlabas ng Saudi Arabia, na magkasamang bigyang-dagok ang ekstrimistang organisasyong "Islamic State (IS)."
Ayon sa ulat ng Interfax News Agency, sa isang news briefing pagkatapos ng kanyang pakikipagtagpo kay Jubeir sa Moscow nang araw ring iyon, sinabi ni Lavrov na ang IS ay malubhang nagsasapanganib, hindi lamang sa Rusya, kundi rin sa ibang bansa na gaya ng Saudi Arabia. Kailangang magkasamang bigyang-dagok ng komunidad ng daigdig ang naturang organisasyon, para mapawi ang panganib nito.
Ipinahayag naman ni Jubeir na tinatalakay ng mga mataas na opisyal ng dalawang bansa ang isyu ng magkasamang pagbibigay-dagok sa IS. Narating aniya ng kapuwa panig ang ilang komong palagay hinggil sa kung paanong ipapatupad ang ganitong target, at patuloy na magsasanggunian sila hinggil dito.
Salin: Vera