|
||||||||
|
||
Ayon sa PRESSTV ng Iran, ipinahayag nitong Huwebes, Oktubre 5, 2017, ni Ali Akbar Salehi, Presidente ng Atomic Energy Organization of Iran (AEIO), na wala anumang espasyo para pag-usapan ang kasunduang nuklear ng kanyang bansa.
Ani Salehi, paulit-ulit na ipinahayag ng Iran na hindi puwedeng pag-usapan muli ang nasabing kasunduan. Ngunit, inaasahan ng ilang signataryong panig ng kasunduan na isasagawa ang ikalawang pagsasanggunian sa kasunduang ito sa aspektong teknikal. Aniya, kung tatalikod ang Amerika sa kasunduan, at gagayahin ng iba pang mga signataryong panig ang kagawian ng Amerika, sisirahan walang duda, ang kasunduang nuklear. Kung tatalikod ang Amerika sa kasunduan, gagawa ng katugong desisyon ang komisyong tagapagsuperbisa sa kasunduang nuklear ng Iran, dagdag niya.
Winika ito ni Salehi bilang tugon sa muling pagbatikos kamakailan ni US President Donald Trump sa kasunduang nuklear ng Iran sa pangkalahatang debatehan ng United Nations (UN) General Assembly.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |