|
||||||||
|
||
Idinaos nitong Biyernes, Pebrero 10, 2017 ng mahigit 100 libong mamamayang Iranyo ang malawakang protesta sa buong bansa bilang paggunita sa ika-38 anibersaryo ng tagumpay ng Iranian Islamic Revolution at pagtutol sa isinagawang bagong sangsyon ng Amerika laban sa Iran.
Sa kanyang talumpati sa isang rally na idinaos sa Tehran's Freedom Square, sinabi ni Pangulong Hassan Rouhani ng Iran, na ang nasabing rally ay simbolo ng kanyang bansa. Tinukoy niyang ang rally ay reaksyon ng Iran sa isinagawang bagong sangsyon ng Amerika laban sa kanyang bansa.
Ang Pebrero 11 ay araw ng paggunita sa Iranian Islamic Revolution. Noong unang araw ng Pebrero, 1979, bumalik sa Iran si Ruhollah Musavi Khomeini, pinuno ng nasabing rebolusyon, pagkaraan ng kanyang pagkakatapon sa ibang bansa. Bumagsak noong Pebrero 11, 1979, ang rehimen ng Pahlavi Dynasty, at nakuha ang tagumpay ng rebolusyong ito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |