Binabalak ng Thailand na ipagbawal ang paninigarilyo sa 20 dalampasigan ng buong bansa, upang mabawasan ang bilang ng mga basura sa dagat, lalung lalo na, mga cigarette butt. Ang mga lalabag sa ban ay makukulong sa bilangguan ng di-lalampas sa isang taon, o magbabayad ng 100 libong Baht na penalty.
Ayon sa salaysay, ang nasabing 20 dalampasigan ay kinabibilangan ng mga dalampasigan sa Hua-Hin, Samui Island, Phattaya, Patong at iba pa. Sa hinaharap, palalaganapin ang nasabing ban sa lahat ng mga dalampasigan ng buong bansa.
Salin: Vera