Ipinatalastas kamakailan ng Jingdong Group, Jingdong Finance, isa sa mga pinalamalaking e-commerce company ng Tsina at Central Group, isang kilalang retail sale company ng Thailand na magkasama nilang ilalaan ang 500 milyong dolyares para itatag ang dalawang joint company na magkakaloob ng serbisyo ng e-commerce at financial technology.
Ayon sa salaysay, ipagkakaloob ng Jingdong ang pagkatig ng teknolohiya, e-commerce, logistic, artificial intelligence, at cloud computing sa dalawang joint company. Samantala, gagamitin naman ng Central Group ang kanilang bentahe sa retail.