Kaugnay ng gaganaping ika-19 na Pambansang Kongreso ng CPC mula ika-18 hanggang ika-23 ng Oktubre, ipinahayag ng mga overseas Chinese ang mainit na pagtanggap sa pulong na ito.
Umaasa silang isasapubliko ng pamahalaang Tsino ang mga bagong hakbangin para ipagkaloob ang mas maraming pagkakataon para sa kanilang usapin.
Sinabi ni Chen Zhengxi, Puno ng China-Italy Chamber of Commerce (CICC), na ang pag-unlad ng kabuhayang Tsino nitong limang taong nakalipas sapul nang idaos ang ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC ay nakalikha ng magandang kapaligiran at patakaran para sa mga overseas Chinese. Umaasa aniya siyang ang pag-unlad ng Tsina pagkatapos ng nasabing pulong ay magdudulot ng mas maraming pagkakataon para sa kanila.
Ipinahayag naman ni Cheng Fuyu, Dalubhasa sa pangangalaga sa kapaligiran, na nagtatrabaho sa Los Angeles ng Amerika, na umaasa siyang ibayo pang pahihigpitin ng Tsina ang pangangalaga sa kapaligiran pagkatapos ng pulong na ito.
Naniniwala aniya siyang maisasakatuparan ng mas maraming lunsod ng Tsina ang green development sa hinaharap.