|
||||||||
|
||
Vientiane, Laos-- Ang Taong Panturismo ng Laos para sa Taong 2018 ay magsisimula sa ika-28 ng Oktubre. Ang araw na iyon ay pasimula rin ng That Luang Festival, pinakamahalagang kapistahang panrelihiyon para sa mga mananampalatayang Budismo ng bansa.
Ito ang ipinahayag ni Sonexay Siphandone, Pangalawang Punong Ministro ng Laos sa preskon ng Ministri ng Pamamahayag, Kultura at Turismo ng bansa, sa Vientiane, Huwebes, Oktubre 12.
Aniya, upang maakit ang mga turistang dayuhan, idaraos sa iba't ibang bahagi ng Laos ang makukulay na aktibidad na tulad ng nabanggit na That Luang Festival sa Vientiane.
Si Pangalawang Punong Ministro Sonexay Siphandone ng Laos sa preskon ng Ministri ng Turismo, Oktubre 12, Vientiane. (CRI)
Ang turismo ay ikalawang pillar industry ng Laos, kasunod ng pagmimina. Noong 2015, lumampas sa 4.6 milyon ang bilang ng mga turistang dayuhan sa Laos at umabot sa 725 milyong dolyares ang kitang panturismo. Tinataya ng bansa na sa taong 2020, aabot sa 6.2 milyon ang bilang ng mga turistang dayuhan sa Laos at lilikha ito ng halos isang bilyong dolyares na kita.
Isang babaeng naka-tradisyonal na damit ng Laos sa harap ng That Luang Stupa sa Vientiane, Nov. 13, 2016. (File photo credit: Xinhua/Liu Ailun)
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |