Ayon sa ulat ng Vientiane Times Miyerkules, Hulyo 26, 2017, binabalak ng pamahalaan ng Laos ang pagpapataas ng antas ng mga mahihirap para magkaloob ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayang Lao.
Sinabi ni Kongkeo Vongpaseuth, Puno ng National Leading Committee for Rural Development and Poverty Eradication ng Laos, na ang mga bagong antas ng mga mahihirap ay magtatampok sa kaligtasan ng pamumuhay, sapat na pagkain at saligang serbisyong pampubliko.
Ang panukala ng bagong istandard ay isusumite sa pamahalaan para talakayin at pagtibayin bago ang katapusan ng taong ito.
Ayon sa kasalukuyang istandard ng mahihirap na itinakda noong 2013, ang mga mahihirap sa lunsod ay mga taong kumikita ng 29 US Dollars pababa kada buwan at ang mga mahihirap sa nayon ay mga taong kumikita ng 22 US Dollars pababa kada buwan.
Sinabi ni Kongkeo Vongpaseuth na kung isasagawa ang bagong antas ng mga mahihirap, tataas ang bilang mga mahihirap at poverty rate ng bansang ito.