Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Dalawang programa ng China Radio International, ineere sa Radyo Pilipinas

(GMT+08:00) 2017-10-16 15:53:42       CRI

Kasalukuyang dalawang programa ng China Radio International (CRI) ang ineere sa Radyo Pilipinas (RP1). Ito ang ipinahayag ni Kalihim Martin Andanar ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) nitong nagdaang Sabado.

Batay sa kasunduang nilagdaan ng CRI at RP1 noong Pebrero, 2017, simula nagdaang Agosto, ang dalawang 30 minutong programang Mga Pinoy sa Tsina (MPST) at Dito Lang Yan sa Tsina (DLYT) ang ineere alas 17:00 n. h. at 21:15 n. g. ng Sabado at Linggo sa RP1, ayon sa pagkakasunod.

Ang MPST na iniho-host ni Machelle Ramos ay nagtatampok sa pamumuhay ng mga Pinoy sa iba't ibang bahagi ng Tsina. Sa DLYT naman, ang host na si Rhio Zablan ay nagbabahagi sa mga tagasubaybay ng kanyang karanasan at pananaw hinggil sa iba't ibang aspekto ng Tsina.

Sinabi ni Alan Allanigue, station manager ng RP1 na ang nasabing dalawang programa ng CRI ay bahagi ng "re-branding" ng Radyo ng Bayan (RNB). Ipinaliwanag niyang noon, ang RNB ang nagbo-broadcast lamang ng musika tuwing Sabado at Linggo at dahil inilunsad ang RNB bilang Radyo Pilipinas ngayon, ang mga CRI programs ay nagiging bahagi ng "revitalized programming" ng Sabado at Linggo.

Noong Pebrero, 2017, nilagdaan ng CRI ang mga Kasunduan ng Kooperasyon sa PCOO, RP1, People's Television Network, Inc. (PTV / PTNI) at Philippine News Agency (PNA), para mapasulong ang pagpapalitan ng mga personahe at programa, at magkasamang produksyon ng mga mediang kontrolado sa pagitan ng Tsina at Pilipinas.

Salin: Jade
Pulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>