Ngayong araw, Oktubre 17 ay Ika-25 International Day for the Eradication of Poverty. Muling nanawagan ang United Nations (UN) sa iba't-ibang panig na umaksyon upang mabawasan ang karalitaan.
Sa video speech na binigkas ni Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng UN, ipinahayag niya na buong tatag na isusulong ng UN ang lubusang pagbabawas ng karalitaan. Ipinagdiinan din niya na sa ngayon, ang "2030 Agenda for Sustainable Development" ay isa sa mga pinakamabisang paraan upang maisakatuparan ang nasabing target.
Nitong mahigit 20 taong nakalipas, nabawasan nang kalahati ang bilang ng mga mahirap na populasyon sa buong daigdig. Kabilang dito ang rehiyong Asya-Paspiko ay nakapagbigay ng pinakamalaking ambag, partikular na ang Tsina. Napag-alamang dito sa Tsina ay pinakamalaking nabawasan ang bilang ng mahirap na populasyon sa buong daigdig, at nauna itong naisakatuparan ang UN Millennium Development Goals (MDGs) sa buong mundo. Malawakang kinikilala ng komunidad ng daigdig ang natamong malaking bunga ng Tsina sa usapin ng pagbabawas ng karalitaan.
Salin: Li Feng