Nitong Lunes, Oktubre 16, 2017, maalwang natapos ang pansamantalang tulay sa pagitan ng Dongxing ng Tsina at Mong Cai ng Biyetnam. Ito ay makakapagbigay ng malaking ginhawa sa mga mamamayan ng dalawang panig.
Napag-alamang makaraang isaoperasyon ang nasabing tulay, mabisa nitong reresolbahin ang mga problema sa kalakalan ng nasabing dalawang lugar. Bunga nito, mababawasan ang oras ng transportasyon ng mga paninda, at mapapababa ang gastos ng transportasyon.
Ipinahayag ni Chen Jianlin, alkalde ng lunsod ng Dongxing, na ang pagsasaoperasyon ng naturang tulay ay nagpapakita ng determinasyon at kompiyansa ng Dongxing at Mong Cai sa pagpapalakas ng kanilang pagpapalagayang pangkabuhayan at pangkalakalan.
Salin: Li Feng