|
||||||||
|
||
Si Wang Guangguo (lalaking nakasuot ng pulang helmet), CPC Secretary ng Dianziping Village, kasama ang mga taga-nayon at magkasamang gumagawa ng daan sa isang talampas sa Dianziping Village ng Jianshi County, sa lalawigang Hubei ng Tsina nitong Agosto 5, 2010.
Kilala si Wang dahil sa kanyang pagtulong sa mga maralitang magkaroon ng mabuting buhay. Si Wang ay nahalal bilang delegado ng Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na idinaraos sa Beijing mula Oktubre 18 hanggang 24, 2017.
Sa loob ng isang taon, 2,287 delegado ang naihalal upang lumahok sa pambansang kongreso na ginaganap kada limang taon. Ayon sa panuntunan, ang bawat nominado ay dapat maging karapatdapat sa aspektong pulitikal, ideolohikal, may kapuri-puring pamumuhay, may kakayahang makipagtalakayan sa mga pambansang usapin at matagumpay sa kanilang trabaho.
Sa hanay ng mga napiling delegado, 771 sa kanila ay mula sa hanay ng produksyon at paggawa, na kinabibilangan ng mga manggagawa, magsasaka at teknisiyan na bumubuo ng 33.7% ng kabuuang bilang. Ito ay mas malaki ng 3.2% kumpara noong nakaraang limang taon.
Ang mga delegado ay di lang mula sa tradisyonal na mga industriya gaya ng paggawa, transportasyon, bakal at karbon, kundi maging sa sektor ng pinansyoa, Internet at mga organisasyong panglipunan.
Salin: Mac
Web-edit: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |