|
||||||||
|
||
Si Yu Liufen (kaliwa), CPC Secretary ng Yanbo Village, habang nakikipag-usap sa mga magsasaka hinggil sa pagtatanim ng dahon ng sibuyas (leeks) sa Yanbo Village ng Panzhou, sa lalawigang Guizhou, timog-kanluran ng Tsina noong Oktubre. 9, 2017.
Sa tulong ng pagpupunyagi ni Yu nitong nakalipas na 17 taon, ang ilang na nayon sa kabundukan ay nakaraos sa kahirapan. Si Yu ay nahalal bilang delegado sa Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (Communist Party of China o CPC) na idinaraos sa Beijing mula Oktubre 18 hanggang 24, 2017.
Sa loob ng isang taon, 2,287 delegado ang naihalal upang lumahok sa pambansang kongreso na ginaganap kada limang taon. Ayon sa panuntunan, ang bawat nominado ay dapat maging karapatdapat sa aspektong pulitikal, ideolohikal, may kapuri-puring pamumuhay, may kakayahang makipagtalakayan sa mga pambansang usapin at matagumpay sa kanilang trabaho.
Sa hanay ng mga napiling delegado, 771 sa kanila ay mula sa hanay ng produksyon at paggawa, na kinabibilangan ng mga manggagawa, magsasaka at teknisiyan na bumubuo ng 33.7% ng kabuuang bilang. Ito ay mas malaki ng 3.2% kumpara noong nakaraang limang taon.
Ang mga delegado ay di lang mula sa tradisyonal na mga industriya gaya ng paggawa, transportasyon, bakal at karbon, kundi maging sa sektor ng pinansyoa, Internet at mga organisasyong panglipunan.
Salin: Mac
Web-edit: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |