Idinaos Lunes, Ika-23 ng Oktubre, 2017 sa Clark, Pampanga ang Ika-7 Pulong ng mga Ministrong Pandepensa ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ipinahayag ni Chang Wanquan, Ministrong Pandepensa ng Tsina, na patuloy na igigiit ng Tsnia ang ideyang panseguridad na magkasama, komprehensibo, kooperatibo at sustenable, para aktibong isagawa ang mga pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa mga bansang ASEAN na gaya ng magkasanib na pagsasanay sa dagat at paglaban sa terorismo.
Nagpahayag din ng pagbati ang mga kalahok na ministrong pandepensa ng ASEAN sa pagdaraos ng Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Ipinahayag nilang nakahanda silang patuloy na pahigpitin, kasama ng Tsina, ang pag-uugnayan sa mga estratehiya, at kooperasyon sa larangang pandepensa at panseguridad, para magkasamang pangalagaan ang kasaganaan at kaunlaran ng rehiyong ito.