|
||||||||
|
||
Binuksan Huwebes, Oktubre 12, 2017 ang dalawang araw na ASEAN Transport Ministers Meeting (ATM) sa Singapore. Tinalakay ng mga ministro ng sampung bansang ASEAN ang hinggil sa pagpapasulong ng imprastruktura sa himpapawid, dagat at lupa.
Sang-ayon din sila sa kahalagahan ng transportasyon sa pagpapasulong ng turismo, kabuhayan at pagpapalitan ng mga tao. Nakahanda rin ang mga kasaping bansa ng ASEAN na pahigpitin ang pagtutulungan para magkaroong episyenteng konektibidad.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |