Sa isang pahayag na inilabas Lunes, Ika-23 ng Oktubre, 2017 ng mga ministrong pandepensa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ipinasiya nilang idaos ang mga susunod na ASEAN Defense Ministers Meeting (ADMM) Plus bawat taon sa hinaharap.
Ayon sa nasabing pahayag, layon ng nasabing kapasiyahan na pahigpitin ang kooperasyong pandepensa sa pagitan ng ASEAN at mga dialogue partner para mapigilan ang pagkalat ng terorismo sa Timog-silangang Asya at pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.
Inulit ng mga ministrong pandepensa ng ASEAN na pangangalagaan ng ASEAN ang nukleong papel nito sa pangangasiwa sa mga isyung panseguridad sa Timog-silangang Asya.
Kaugnay ng isyu ng South China Sea (SCS), ipinahayag ng mga ministrong pandepensa ng ASEAN na mahalaga ang pangangalaga sa katatagan at kapayapaan sa SCS. Dapat anilang pahigpitin ng iba't ibang may kinalamang panig ang pagtitiwalaan at panatilihin ang pagtitimpi para maiwasan ang anumang aksyon na magpapalala sa tensyon sa rehiyong ito.
Winelkam din ng mga ministrong pandepensa ang pagtatakda ng balangkas ng Code of Conduct in the South China Sea (COC). Umaasa rin silang komprehensibo at mabisang maisasakatuparan ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC).