Kaugnay ng ulat ni Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa opening meeting ng Ika-19 na National Congress ng CPC, ipinahayag ni Sous Yara, Pangalawang Tagapangulo ng Lupong Panlabas ng Cambodia People's Party (CPP), na ang plano ng pag-unlad ng Tsina na binanggit sa nasabing pulong ay hindi lamang nagpapasulong ng pag-unlad ng Tsina, kundi nakakabuti sa pag-unlad ng mga karatig na bansa, lalo na ng kanyang bansa.
Sinabi pa niyang hinahangaan niya ang mga patakaran ng CPC sa paglaban sa korupsyon. Ito aniya ay nakakatulong sa pagiging mas maayos ng mga administratibong gawain ng bansa at pag-unlad ng kabuhayan.
Ipinahayag naman ni Kemreat Viseth, Miyembro ng Komite Sentral ng CPP, na ang pag-unlad ng Tsina nitong ilang taong nakalipas ay bunga ng pamumuno ng CPC.
Sinabi pa niyang nagsisikap ang CPC para mapawi ang lahat ng mga kahirapan hanggang sa taong 2020. Ito aniya ay landas ng pag-unlad ng Tsina sa bagong panahon.