Ayon sa artikulong ini-upload nitong Sabado, Oktubre 21, 2017 ni Punong Ministrong Hun Sen ng Cambodia sa kanyang social media account, hindi mapahihintulutan ang pagkaganap muli ng digmaan sa bansang ito.
Bukas, ika-23 ng Oktubre ay ika-26 na anibersaryo ng pagkakalagda ng Agreements on a Comprehensive Political Settlement of the Cambodia Conflict (1991 Paris Peace Accords), na nilagdaan noong 1991 para komprehensibong lutasin ang mga isyung may kinalaman sa bansang ito.
Nanawagan din siya sa mga mamamayan ng Cambodia na aktibong pangalagaan ang kasalukuyang mapayapang pamumuhay na natamo sa pamamagitan ng matagal at malaking pagpupunyagi.
Sinabi pa niyang ang pambansang katatagan at kapayapaan ay pinakamalaking kahilingan ng bansang ito.