Beijing, Oktubre 25, 2017 –Sa kanyang pakikipagpulong sa media, matapos ang unang sesyong plenaryo ng Ika-19 na Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sinabi ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng naturang Komite Sentral ng CPC, na magpupunyagi ang CPC upang magkaroon ng sustenable at malusog na paglaki ng ekonomiya sa taong 2019, na siya ring Ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Republic of China.
"Tayo'y kikilos ayon sa bagong pananaw sa pag-unlad, at magpupunyagi para sa sustenable at malusog na pag-unlad ng ekonomiya, para sa benepisyo ng Sambayanang Tsino at mamamayan ng buong mundo," ani Xi.
Aniya pa, "ipagpapatuloy natin ang pagpupunyagi para makamtan ang lahat ng gawain na nakasaad sa Ika-13 Panlimahang Taong Plano, magdebelop ng mga bagong blueprint para sa kinabukasan ng Tsina, at makitang magkatotoo ang lahat ng ating mga naisin at pangarap."
Ang lahat ng ito ay mag-a-ambag ng puwersa sa pagkakamit ng mas masagana at malakas na Tsina, dagdag pa niya.
Salin: Rhio
Web-edit: Jade