Idinaos kaninang umaga, Miyerkules, ika-25 ng Oktubre 2017, sa Beijing, ang unang sesyong plenaryo ng ika-19 na Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Ayon sa komunikeng ipinalabas ng sesyon, naihalal si Xi Jinping, bilang Pangkalahatang Kalihim ng nasabing Komite Sentral.
Bukod dito, naihalal din si Xi, kasama ang iba pang 6 na katao, bilang Pirmihang Miyembro ng Standing Committee ng Pulitburo ng ika-19 na Komite Sentral. Ang mga ito ay sina Li Keqiang, Li Zhanshu, Wang Yang, Wang Huning, Zhao Leji, at Han Zheng.
Dagdag pa riyan, naihalal sa sesyon ang Pulitburo ng ika-19 na Komite Sentral, na binubuo ng 25 miyembro.
Bukod pa riyan, nabuo ang Central Military Commission, na si Xi Jinping ay tagapangulo. Nabuo rin ang CPC Central Commission for Discipline Inspection, na si Zhao Leji ay kahilim.
Salin: Liu Kai