Idinaos Martes, Oktubre 24, 2017 sa Clark, Pampanga, ang Ika-4 na Pulong ng mga Ministrong Pandepensa ng ASEAN at pitong dialogue partner (ADMM-Plus).
Tinalakay sa pulong na ito ng mga kalahok ang kalagayang panseguridad ng rehiyong ito at mga isyung kanilang binibigyan ng pansin.
Sinabi ni Chang Wanquan, kalahok na Ministrong Pandepensa ng Tsina, na palagiang iginigiit ng Tsina ang landas ng mapayapang pag-unlad para itatag ang community of shared future for mankaind.
Sinabi pa niyang dapat matahak ng iba't ibang bansa ang landas ng kooperasyong panseguridad na may mutuwal na kapakinabangan at pagtitiwalaan, para maayos na hawakan ang mga hidwaan at sensitibong isyu sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian.
Bukod dito, inulit ni Chang na patuloy na palalalimin ng hukbong Tsino ang mapagkaibigang pagpapalitan at aktuwal na kooperasyon sa mga hukbo ng iba't ibang bansa ng buong daigdig para magkasamang pangalagaan ang katatagan at kapayapaan ng rehiyon at daigdig.