HINILING ng Globe Telecom Inc. sa pamahalaan na luwagan ang pagbibigay ng pahintulot sa telecommunications infrastructure programs kasunod na pahayag ni Jack Ma na walang kwenta ang internet sa Pilipinas.
Sinabi ni Bb. Yolanda Crisanto, Senior Vice President for Corporate Communications ng Globe na marami pang magagawa upang mapaunlad ang telecommunications sa bansa.
Nauunawaan umano ni G. Jack Ma ang kahalagahan ng pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor upang mapahusay ang serbisyo ng internet sa bansa.
Ani Bb. Crisanto, matagal nang nananawagan ang kanyang kumpanya sa pamahalaan na luwagan ang pagbibigay ng permiso sa pagtatayo ng mas maraming mobile cell towers.
Magugunitang ipinagsakdal na ng Globe ang Dasmarinas Village sa pagtangging magtayo ng cell sites sa loob ng kanilang subdivision.